Alon

 

pexels-photo

Lumapit ako, pero sa layong sapat lang

Sa distansyang hindi mo maabot, pero mapagmamasdan kang masaya.

 

Lumapit ka rin,

Lumapit ka sa distansyang di ko akalaing ako ay aabutin.

 

Naging mabilis ang lahat ng pangyayari,

Ako’y iyong natangay ng wala man lang pasabi.

 

Nagulat ako, nagmadali.

Sinubukang isalba ang pwedeng matira sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang sumabay na lang sa kumpas at bawat hampas mo sa buhangin.

 

Ngunit mahal, bakit?

Nang sinubukan kong mas lumapit,

Saka mo naman ako itinutulak pabalik.

 

Sa pagkakataong ito, inabangan na kita.

Di ko alam pero di ko napigilang hindi maakit sa misteryo mong dala.

 

Inabangan kita sa lugar kung saan una mo akong inabot,

pero tila ako’y tuluyan mo ng nabaon sa limot.

 

Napaupo ako sa isang tabi.

Nagmamaktol, nagsisigaw, humihiyaw sa sakit.

 

Hindi ko napansin na noong ako’ y iyong isinoli,

ako’y tadtad ng sugat at pasa mula sa mga bato sa ilalim.

 

Hinintay kong kumalma ang mga alon,

ngunit nakalipas ang ilang taon hindi pa rin ako makaahon.

 

Saka ko napagtanto na ang mga taong tulad mo ay minamahal lang mula sa malayo.

Kaya mamahalin na lang kita mula sa malayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s